Courtesy : Sarah Discaya

9 Construction companies ng Discaya, binawi ang mga lisensya.

Pumalag ang mag-asawang Discaya matapos bawiin o ni-revoked ng PCAB ang lisensya ng siyam nitong construction companies.

Kaya naman agad na nagsalita ang abogado ng pamilyang Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III tungkol sa hindi makatarungan na pagbawi sa mga lisensya ng mga construction firms ng kanyang kliyente.

Ayon kay Atty. Samaniego, hindi malinaw sa kanila kung bakit agad-agad na ni-revoked ng PCAB o Philippine Contractors Accreditation Board ang mga lisensya na hindi dumadaan sa tamang ‘due process’.

Ani Atty. Samaniego : “Kasi dapat may due process ‘yan eh. Hindi basta-basta nire-revoke. Lahat po dapat dumaan tayo sa due process. 

“Hindi pupwede yung dahil nakiki-ride on ka lang sa isyu, eh swift po yung action natin. Hindi po ganu’n, may tinatawag po tayong due,” dagdag ng abogado.

Bakit na-revoked ang lisensya ng mag-asawang Discaya?

Ayon sa PCAB, lumabag umano ang mga construction firms ng mag-asawang Discaya dahil sa pagsali o paglahok ng kanilang siyam na kompanya sa ‘bidding’ nang sabay-sabay na may iisang may-ari lang.

Pahayag ng PCAB : “Such admission establishes a scheme of joint or multiple bidding participation designed to influence the outcome of public bidding, manipulate results, and corner public projects thereby undermining transparency, fairness, and competition,”

Ayon kay Sarah sa senate hearing, taong 2012 silang nagsimula na makipag-bidding sa DPWH ngunit taong 2016 lamang sila nakakuha ng mga flood control projects mula sa pamahalaan.

Pagbabahagi niya : “Nakita namin noon [sa] PhilGEPS (Philippine Government Electronic Procurement System) na may mga projects na pwedi palang mag join.. So we joined the bidding that we know we’re qualified for,”

Ang nakakagulat pa sa sinasabing ‘bidding’ ni Discaya na naglalaban-laban lamang sa bidding na ito para makakuha ng flood control projects ay ang siyam niyang kompanya.

Tanong ni Estrada : “Mrs. Discaya, mayroon bang pagkakataon ‘yung siyam na pag-aari mo ng construction company, meron bang pagkakataon na sila-sila naglalaban sa isang bidding, sa isang kontrata?”

Sagot ni Discaya : “Yes, po..”

Pagbabahagi ni Estrada : “So that’s not a legitimate bidding? dahil yung siyam na ‘yun na naglalaban-laban sa isang kontrata, iisa lang may ari, so kahit sino dun, kahit sinong manalo dun sa bidding na yun, ikaw ang panalo,”

Agad naman sumagot si Erwin Tulfo at aniya : “Ang sagot po dyan, Senate Pro Tempore [Jinggoy Estrada], nagbibiding-bidingan.”

Narito ang siyam na kompanyang pagmamay-ari ng mga Discaya :

  1. Alpha and Omega Construction.
  2. St. Timothy Construction.
  3. St. Gerrard Construction.
  4. Elite General Contractor and Development Corporation.
  5. St. Matthew General Contractor & Development.
  6. Great Pacific Builders and General Contractor.
  7. YPR General Contractor and Construction Supply.
  8. Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp..
  9. Way Maker OPC.

Watch here :

Copy link