Usap-usap ng mga netizens ang issue tungkol sa flood control project ng DPWH na umabot sa nakakatakot na corruption mula 2011 hanggang 2025.
Ilang dekada na ang nakalipas ngunit hanggang sa ngayon ay lubog parin sa baha ang Pilipinas, kahit na pinatupad na ng ating pamahalaan ang mga proyekto sa flood control gaya na lamang sa pagpapatayo ng mga dike, pumping stations, mga kanal o pagpapalawak ng mga estero.
Pero bakit hanggang sa taong kasalukuyan ay lubog parin sa baha ang bansa? dahil sa matinding pagbabaha na ito ay tumaas rin ang kaso ng mga taong nagkaka-leptospirosis, ang sakit na nagmumula sa maduming tubig baha.
Ngayong taon, umalingaw-ngaw na nga ang issue sa corruption ng mga flood control projects, maging ang senado, commission on audit at si Pangulong Bong bong Marcos Jr. ay nakatutok na sa issue na ito.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, umaabot sa P2 trilyon na ang nagastos para lang sa mga flood control projects na ito sa loob ng 15 years, ngunit ang nakakalungkot rito na mahigit kalahati umano sa budget ang napunta sa bulsa ng mga korap.
Ghost projects.
Bistado rin ang mga flood control projects na tila ‘marked as completed’ na sa mga papeles pero noong pinuntahan ng pangulo ay missing project, hindi sinimulan, hindi tinapos o hindi maayos ang mga gawa.
Isang halimbawa na rito ang river wall sa Bulacan na may budget allocation na P55M, uminit ang ulo ni Pangulong Marcos Jr. noong kanila itong puntahan dahil hindi ito sinimulan kahit na isang araw, walang nagtrabaho.
Ang nakakalungkot pa na ang Bulacan ang tinatawag nilang ‘hotspot’ dahil ito ang karaniwang binabaha at nagkaroon ng maraming flood control projects at budget allocation, ayon sa imbestigasyon tumatayang umaabot sa P9B ang mga kontrata sa Bulacan na nasa ilalim ng ‘Ghost Projects’.
Sa Mindoro, bistado rin ang proyektong nagkakahalaga ng P77.1M na lumubog pagkatapos lamang ng ilang linggo dahil sa substandard construction, tinipid, minadali at binulsa ang budget.
Sa Brgy. Apitong, Mindoro, P192.99M ang budget para sa flood control projects pero wala talagang proyekto na ginawa o sinimulan, ito ang ibinahagi ng chairman ng Brgy. Apitong na si Mel Eloponga.
Aniya : “Kailangang kailangan (ang proyekto) dahil ang lugar na ito ay binabaha. May mga naanod pong bahay diyan, mga hayop at bukid na naapektuhan. sobrang nakakalungkot po at nakaka-galit dahil pati barangay namin ay nagamit,”
Ani Sen. Lacson : “Ang halaga ng kontrata P192.99 million (Brgy. Apitong), ayon sa dokumento mula sa DPWH website, completed na po ito ngunit ng puntahan ng aking team wala po silang nakitang proyekto sa Sito Dike,”
Ang mga proyektong ito ay iilan pa lamang sa mga flood control projects na nabulgar dahil sa matinding korapsyon dito sa ating bansa, take note : nasa flood control projects pa lang ito, paano na ang lahat ng proyekto sa kabuhuan?
“Hindi na pala baha ang magpapalubog sa ating bayan, kundi kasakiman. – Jessica Soho.”