Ikinalungkot ng content creator na si Awit Gamer ang tungkol sa kanyang bagoong business dahil maraming returned orders mula sa mga buyers.
Sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi ni Awit online, naglabas siya ng kanyang pagkadismaya sa mga buyers na hindi tinatanggap ang kanilang mga orders na bagoong.
Caption niya : “Cancelled Nanaman Po Grabe na kayo saken [crying emoji] #Awit”
“’Ito yung mga taong nanti-trip talaga…grabe noh? ito na naman po kayo..cancel [na naman],
“Nakakainis lang kasi pagod, puyat, dugo’t pawis ang binibigay namin dito..” dagdag pa niya.
Sa naturang video, ipinakita ng vlogger ang mga cancelled parcels ng kanyang bagoong at muli pa niya itong binuksan, makikita naman na maraming binili ang isang tao sa iisang order na umabot pa sa limang bote at nasa isang kahon.
Ang nakakalungkot lang sa cancelled parcel na ito na hindi umabot sa buyer ay sinamahan pala ito ng freebies ni Awit, isang tablet at isang airpods.
Ani Awit : “Ito yung cancel[led], ito ang sinasabi ko.. diba pag may umorder saming lima? o sampung piraso may freebies,
“Oh ayan, sinayang ang isang tablet, meron pang airpods.. so ayan po.. ayan po ang patunay na naglalagay po kami [ng freebies.]”
Humiling naman si Awit sa mga buyers na sana raw wag pag-tripan ang kanyang negosyo dahil naghahanap buhay lamang siya at lumalaban ng patas sa buhay.
Aniya : “Sana po ano..pakiayos lang po yung order.. kung ayaw niyo po talaga.. wag na po kayong umorder,
“Wag niyo na pong [pagtripan] yung taong naghahanap buhay at maayos na lumalaban ng patas.. at sana wag naman po sana ganun ang gawin natin.” dagdag ni Awit.
Marami naman sa mga netizens ang naawa sa content creator at nagsasabing tigilan na si Awit dahil nagbabagong buhay na umano ito.
Ani ng netizen : “Kung may nagawa man Siya na Hindi maganda.. hayaan nyo na lang Siya.. may kanya kanya Naman tayong sitwasyon sa buhay.. Meron din Naman tayong mga ngawang desisyon na nagkamali at pinagsisihan din Naman natin. wala Naman perpekto.. masarap mabuhay Ng wala Kang inaapakan.. yaan nyo na..”
“Grabe naman sila nag effort yung tao may pa freebies pa na Infinix Note Celfone yung bagoong tapos pagtripan niyo lang. Lahat naman tayo nagkakamali” komento pa ng isa.
Kung ating babalikan, nagbukas ng kanyang bagoong business si Awit matapos itong bumagsak at naubos ang kanyang kayamanan dahil sa pagkatalo nito sa casino ng mahigit kumulang 69 milyong peso.
Dahil sa casino naubos ang kanyang mga bahay, mga kotse, mga ari-arian at lalong lalo na ang kanyang mga kaibigan.
Ayon sa kanya, gusto niyang magsimulang muli upang maka-ahon muli sa buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo.