Courtesy : Awra Briguela

Awra Briguela, balak magpa-lagay ng kiffy.

Usap-usapan online ang tungkol sa balak ni Awra Briguela na magpa-gender reassignment surgery o sex change balang araw.

Ito ang ibinahagi ni Awra sa podcast o Youtube vlog nila kasama si Killa Kush, dito na inihayag ng komedyante na gusto-gusto niyang itrato siya bilang tunay na babae sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kiffy.

Ani Awra : “Yung moment na gusto ko mag-transition na babae talaga, before sinasabi ko lang na gay lang [talaga] ako, bakla lang ako,

“Kasi wala akong balak mag transition, kuntento na ako na ito lang nakakatawang bakla or like bakla lang na nagkakagusto sa lalaki,” pagbabahagi niya.

Para kasi kay Awra, sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng kiffy ay mararanasan na niya ang tunay na respeto at matuturing na siya bilang ganap na babae.

“Pero, noong nasabi ko na gusto kong mag trans[gender], gusto kong itrato akong babae, gusto ko yung tingin sa akin [tunay na] babae,

“Hindi pa [sa] ngayon, pero may plan din ako mag pa sex change. I’m too young pa din,

“Kasi guys, hirap pa ako mag decision ngayon kasi nga yung muscle ko hindi ako makapag decision kung papatunaw ko pa kasi love ko talaga siya. Parang it makes me so unique kaya hindi ko siya mapa-tanggal tanggal,” dagdag pa ni Awra.

Watch here :

Kung ating babalikan, matinding pinag-usapan sa social media ang pagsita ng isang content creator sa ginamit na pronoun kay Awra kamakailan.

Nag-react kasi si Jack Argota sa ginamit na panghalip ng ABS-CBN News tungkol sa graduation ni Awra sa senior high school.

Sa caption ng ABS-CBN News : “Awra Briguela on finally getting her high school degree: Simula pa lang ito,”

Dito na nirepost ng content creator ang post ng ABS-CBN news at sinita ang ginamit na pronoun kay Awra.

Ani Jack : ” Anong her? Goodluck bro!”

Agad na nag-viral ang pagsita na ito ni Jack sa panghalip na ginamit kay Awra at tila agad itong nakatanggap ng samu’t-saring batikos mula sa mga miyembro ng LGBTQIA+, ayon sa kanila masyadong bastos at walang respeto ang naturang content creator.

Dito na nag-umpisang pag-usapan ang kapansanan ng content creator (ngungo) dahil tila hindi umano angkop ang pagiging bastos nito sa social media sa kanyang looks na dapat ay mas kapuna-puna.

Copy link