Ibinahagi ni Bea Borres na muntik na umano siyang sumailalim sa abortion ngunit binigyan siya ng mga signs upang ipagpatuloy ang pagbubuntis.
Ito ang isa sa naging rebelasyon ni Bea sa kanyang panayam sa programa ni Toni Gonzaga na ‘Toni Talks’ sa kanyang Youtube channel.
Aniya, nakaplano na talaga ang kanyang abortion at inilahad ng dalaga na pumunta na talaga siya sa isang clinic sa Amerika upang ipatanggal ang nabuong bata sa kanyang sinapupunan.
Aminado rin si Bea na may takot siya sa diyos, pero sa mga oras daw nang pagpunta niya sa naturang clinic marami umanong katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan.
Hindi niya umano alam kung ano ang gagawin at kung bakit ito ang nangyayari sa kanya, ibinahagi niya pa sa kanyang panayam na ‘ulila’ na nga ang tawag sa kanya ng mga tao tapos ang pagbubuntis pa niyang ito ang dahilan upang mapalitan ang tawag sa kanya bilang ‘single mom”.
Aniya : “Noong time na ‘yon, I’m really questioning everything na bakit ganon? Ulila na nga ang title ko, bibigyan mo pa ako [lord] ng bagong title? na single mom?”
Dito na agad ibinahagi ni Bea kung bakit hindi niya itinuloy ang abortion na naka-scheduled na.
“Umabot po talaga ako sa point na nandun na talaga ako sa clinic.. to take the baby out [of my womb]. dumating na ako sa point na ‘yon.. I went through the tests, it took an hour.
“Nandun [na] ako nakaupo, and then after everything Ms. Toni biglang may pumasok tapos sinabi nalang niya na ‘You can’t push through with this.’
“So ang unang pumasok sa isip ko.. Iba ka talaga [lord] ha? parang nagpapakita ka talaga.. may reason naman pero mas tinake ko siya na sign,” pagbabahagi ni Bea.
Ayon pa sa kanya, ang pangalawang sign umano para hindi niya ituloy ang balak niyang gawin noong kinausap siya ng isang babae habang umiiyak siya sa loob ng eroplano.
“I was so lost.. I know that if I push through with the pregnancy, I can provide for the baby.. I told the woman I was crying because I’m pregnant, and in America.. women have a choice but where I’m from, it’s not really talked about, the first thing she said was, ‘Babies are blessings from God’.
Pagpapatuloy pa niya : “I was so speechless and I told myself, oh, He will not abandon me.. My baby and I will be okay, so I don’t have to be scared of anything and I should continue with the pregnancy.” dagdag pa niya.
Nagpasalamat rin si Bea sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi siya iniwan kahit anong bigat umano ng mga pinagdaanan niya.
Watch here :