Usap-usapan ngayon ang issue tungkol sa social media singer-vlogger na si Claudine Co 25, matapos maglaho ang kanyang social media accounts.
Bago mag-deactivate ng kanyang online presence accounts, binabatikos si Claudine ng mga netizens dahil nalaman nilang kamag-anak siya nina Former Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co at Rizaldy Co (kasalukuyang Ako Bicol Partylist Rep.).
Si Claudine ay mismong anak ni Christopher Co, ang co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corp. habang si Rizaldy Co naman ay ang CEO ng Sunwest Group of Companies o Sunwest Inc.
Ang dalawang kompanyang ito ay sangkot sa alleged corruption at pasok sa Top 15 construction companies na pinangalanan at nasa listahan na inilabas ni Pres. Bongbong Marcos Jr.
Ang Sunwest at Hi-Tone ay pinagkalooban ng milyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.
Kaya naman, matapos lumabas ang mga impormasyon na ito sa media, agad na binatikos si Claudine dahil hindi lingid sa marami na ang contents nito online ay puro karangyaan, panay travel at pagpapakita ng yaman nilang pamilya.
Huling video pa nito na talagang pinag-usapan online ay ang pagsakay nila sa private plane para lamang gumala, hindi rin nakaligtas mula sa netizens ang pagsusuot nito ng mga designer bags, clothes, jewelries na milyun-milyon umano ang halaga.
Kaya tanong ng marami, saan nanggaling ang yaman ni Claudine?
Matapos pumutok ang issue sa alleged corruption ng mga flood control projects kamakailan, nanawagan ang mga netizens na isama si Claudine sa imbestigasyon dahil sa marangya nitong pamumuhay.
Kasama na rito ang pag-akusa kay Claudine na ang mga luho nito ay mula sa mga tax payers ng ating bansa, kaya naman sa dami ng batikos na natatanggap niya online, agad na naglaho ang mga social media accounts ng dalaga.
Ayon sa isang netizen : “Sakit isipin, ung mga magulang ko kumakayod araw araw mapag aral lang kami at may makain at lumalaban ng patas, pero sila mga kurap at di lumalaban ng patas. Ano kaya nasa isip nila na ginagamit ng pera ng taombayan para sa kanilang sariling luho. Parents ko newspaper vendor at mekaniko at napagtapos kaming dalawa ng ate ko. MAHIYA NAMAN KAYO TANG INA NYO!,”
“This is it when I say the next generation will bring changes to the Philippines. Being more aware, not eating the lies of the politicians, and speaking up for your own rights and what you deserve.” dagdag pa ng isa.