Pumanaw na ang content creator na si Dennis Raz Gaspar o mas kilalang Dora de Zamboanga sa edad na 38, alamin ang kanyang cause of death.
Ang biglaang pagpanaw ni Dora ay ibinahagi ng kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, marami naman sa mga netizens ang nalungkot sa biglaan nitong pagkawala.
Kilala si Dora ng marami dahil sa kanyang mga contents online na nagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga netizens, mas umingay ang kanyang pangalan dahil sa mabuti nitong puso na handang tumulong para sa kanyang nasasakupan.
Kung iyong babalikan ang kanyang mga social media accounts, dito mo makikita ang mga pagtulong ni Dora sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit.
Kaya naman, nabigla ang kanyang mga tagahanga at mga tagasubaybay sa biglaang pagpanaw ng content creator.
Ano ang cause of death ni Dora de Zamboanga?
Sa pagsisimula ni Dora bilang content creator hanggang sa sumikat siya online, hindi niya itinago sa kanyang mga fans ang tunay niyang kalagayan o karamdaman.
Aminado siya na matagal na niyang iniinda ang kanyang sakit at ito ang CKD o Chronic Kidney Disease, ginamit rin ng content creator ang kanyang social media platforms upang magbigay ng awareness tungkol sa sakit na ito.
Maaari na ang sakit na ito ng content creator ang dahilan kung bakit tuluyan na itong pumanaw.
Sa official statement ng mga mahal sa buhay ni Dora, dito nila ibinahagi ang mapayapang paglalakbay ng content creator.
“With deep and heartfelt sorrow, we mourn the passing of Dennis Raz Gaspar, belovedly known as Dora De Zamboanga, who peacefully left us yesterday, August 25, 2025. Her remains are now at La Merced Chapel M.
“She was more than just a name, she was an icon, a source of joy, laughter, and wisdom to all who knew her. A devoted vlogger, comedian, teacher, and public servant, her life was a shining example of kindness, humor, and unwavering service. Her warmth touched countless hearts, and her legacy will forever remain in our memories.
“We humbly invite family, friends, and all who loved her to gather in remembrance, to celebrate her remarkable life, and to offer prayers for her eternal soul. May her spirit find peace and her memory continue to inspire us all.” dagdag nila.
Sa pangalawang social media post naman ng mga kaanak ni Dora, dito na nila ibinahagi ang lokasyon ng burol o lamay ng content creator.
“The First Night of Prayer Vigil for Dora De Zamboanga (Dennis Raz Gaspar) will be held tonight at 8:00 PM at La Merced Chapel M.
“We invite family, relatives, followers, supporters and friends to join us in prayer as we honor her life and lift her soul to the Lord.” ayon sa kanila.
Sa kasalukuyan, si Dora ay mga 600k Facebook followers, ang bilang ng mga taong napasaya niya sa kanyang mga makahulugang contents sa social media noong siya ay nabubuhay pa.
Rest In Paradise Dora de Zamboanga.