Walang nagawa kundi umiyak na lang si Deo Jarito Balbuena o mas kilalang Diwata matapos nalugi ang kanyang paresan branch sa Quezon City.
Kung ating babalikan, viral at usap-usapan si Diwata dahil sa kanyang paresan sa Pasay City, dahil na rin sa lakas ng kanyang negosyo marami umanong lumapit sa kanya upang mag franchise at makipag partnership sa kanyang food business.
Dito na nakahanap ang pares vendor ng business partner upang maitayo ang kanyang Quezon City branch at sa una ay malakas din naman ang sales dahil sa hype ng social media.
Ngunit kalaunan, dahil sa pagsusungit ni Diwata sa kanyang mga customers ay tila nauubos na ang mga nakasuporta sa kanyang negosyo, hanggang sa malugi at tuluyang ipinasara nalang ang kanyang Quezon City branch.
Dito na pumasok ang problema ni Diwata dahil imbes na kumita ay nalugi pa siya dahil sa laki ng renta ng naturang pwesto.
Ibinahagi rin nito na ang ganda-ganda umano ng paliwananag ng kanyang business partners na wala umanong gagastuhin ang pares vendor dahil pangalan lang niya ang gagamitin pero sa huli ay inutangan pa umano siya ng mga ito at pinerahan.
Aniya : “Wala.. dahil ang ganda-ganda nga ng mga paliwanang nila na eexpand ang Diwata pares.. wala naman akong gagawin pangalan ko lang gagamitin.. ito ‘yung participant mo.. tatanggap ka ng halimbawa 300,000 plus royalty fee so pumayag ngayon ako sa kagustuhan ko rin na makaahon sa kahirapan,
“Pero ang ending.. wala talaga akong napala.. ako pa ‘yung nautangan.. actually puro pangako nalang.. puro nasa meeting, nasa meeting.. nag-comply naman ako.. kahit nga mga gamit ko nasa kanila pa.. hindi ko alam kung saan talaga ang lugar nila kasi lumapit lang naman yan sa’kin noong kasagsagan ng trending ko.
“Hindi ko naman talaga napakinabangan.. ako pa ‘yung imbes na kumita ako pa po ‘yung na agrabyado sa bandang huli.. ang laki ng nalugi ko.. may babayaran pa ako na 300k (renta) tapos yung 300k pa na hiniram nila.” dagdag ni Diwata.
Ayon kay Diwata, kailangan niya umanong magbayad ng 300,000 sa nagsara niyang paresan branch sa Quezon City para sa renta at iba pang utility bills.
Hindi niya umano alam na siya pala ang magbabayad ng mga ito dahil pinangako sa kanya ng kanyang business partners na wala siyang gagastusin dahil tanging pangalan lang niya ang magsisilbing puhunan niya.
Pero sa bandang huli hindi kumita si Diwata at nalugi pa siya dahil sa pinasok niyang pakikipag-susyo sa mga taong hindi niya kilala.