Courtesy : Fhukerat and Queen Dura

Fhukerat, nagsalita na sa issue nila ni Queen Dura.

Naglabas ng video ang influencer na si Kier Garcia o mas kilalang Fhukerat tungkol sa issue ng vlog nina Queen Dura at ng ibang influencers.

Kung ating babalikan, usap-usapan sa social media ang video nina Kevin Cruz o mas kilalang Queen Dura kasama ang ibang influencers, dito nila pinag-usapan kung sinong vlogger o influencer ang ayaw o hate nila.

Dito na sumagot ang mga kasama ni Queen Dura na si Fhukerat ang hate na hate nila, marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang naturang video dahil mukhang sinadya umano na hindi ma-cut o ma trim-out ang clip upang masira si Fhukerat.

Agad naman inulan ng binatikos si Queen Dura, hindi lingid kasi sa marami na matagal ng magkaibigan sina Dura at Fhukerat kaya hindi lubos maisip ng mga netizen kung bakit hinayaan lang nito na pagtulungan si Fhukerat sa viral video.

Nakarating naman kay Fhukerat ang viral video at mangiyak-ngiyak siyang naglabas ng kanyang saloobin.

Aniya : “wala akong sama ng loob kay QD (Queen Dura) ewan ko sa kanya kung meron [siya sa’kin] pero ako? I don’t have, ahmn.. nakita ko na parang they are happy.. I don’t know kung happy ba or sinasadya ba nilang hindi eedit or hindi ecut yung ganung clip,

“Pero for me parang sinadya.. I don’t know, and also kung napapansin niyo everytime na tuwing nagvo-vlog or nagvi-video ako.. I really don’t spread hate in other people.. hindi ako nagme-mention ng name.. and to be mature, if you have a problem na hindi pa na settled.. pag-usapan in private.” dagdag ni Fhukerat.

Matapos maglabas ng video ni Fhukerat, agad naman nagsalita si Queen Dura tungkol issue sa pamamagitan ng isang video.

Ani Dura : “Hindi ko alam nak.. (Fhukerat) kung nasasaktan ka pa ba talaga o ini-enjoy mo na yung hate ng tao sa’kin? Kasi naka.. sa kwento mo parang.. wala ba akong nagawang mabuti sa’yo nak?”

Habang sinusulat ang balitang ito, matinding batikos parin ang natatangap ni Queen Dura mula sa mga netizens.

Copy link