Pinagbabato ng putik, sinulatan pa ng ‘magnanakaw’ ang gate ng mga Discaya sa Pasig City ng mga galit na galit na nag-protesta.
Viral sa social media ang video nang pagsugod ng mga nagpo-protesta sa mismong harap ng gate ng St. Gerrard Construction sa F. Manalo St. Pasig City ngayong araw.
Ang St. Gerrard Construction ay pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya, isa sa kanilang siyam na construction companies na nagkaroon diumano ng anumalya sa paggamit ng pundo para sa flood control projects.
Ang construction company ng mga Discaya ay nakasama sa Top 15 na listahan na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil naging kabilang ito sa mga contractors na nakakuha ng mahigit 20% flood control budget.
Ang protestang ito ay nangyari sa mismong harap ng gate ng St. Gerrard, isinagawa ang naturang protesta ng Akbayan Partylist, Student Council Alliance of The Philippines at iba’t-bang uri ng Youth Organizations sa ating bansa.
Watch here :
Kung ating babalikan, pinag-usapan ng sambayanang pilipino ang pagdalo ni Sarah Discaya sa senate hearing noong September 1.
Dito na siya piniga nina Jinggoy Estrada, Risa Hontiveros at Erwin Tulfo tungkol sa siyam niyang kompanya na nakakuha ng budget para sa mga flood control projects.
Sa umpisa ng senate hearing, matinding nanindigan si Discaya na ‘isa’ lang ang pagmamay-ari niyang construction company na nagsilbi sa DPWH.
Ayon kay Sarah, natatanging ‘Alpha and Omega General Contractor & Development Corp.‘ lamang ang nasa kanyang pagmamay-ari.
Hindi naman naniniwala si President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa paninindigan na ito ni Discaya at pina-alalahanan niya ang contractor na nasa ‘under oath’ ito at ipapasok siya kulungan kung napatunayang nagsisinungaling.
Dito na nagbago ang timpla ni Discaya matapos sabihin nina Estrada at Hontiveros na may mga sapat silang dokumento para patunayan na mayroon pa itong walong mga kompanya na nakapangalan sa kanya at sa asawa nitong si Curlee Discaya.
Ito ang siyam na kompanyang pagmamay-ari ng mga Discaya :
- Alpha and Omega Construction.
- St. Timothy Construction.
- St. Gerrard Construction.
- Elite General Contractor and Development Corporation.
- St. Matthew General Contractor & Development.
- Great Pacific Builders and General Contractor.
- YPR General Contractor and Construction Supply.
- Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp..
- Way Maker OPC.
Ito ang 15 contractors sa listahan na inilabas ng pangulo :
- Legacy Construction Corporation
- Alpha and Omega Gen. Contractor and Development Corp (Discaya Company)
- St. Timothy Construction Corp. (Discaya Company)
- QM Builders
- EGB Construction Corporation
- Topnotch Catalyst Builders Inc.
- Centerways Construction and Development Inc
- Sunwest, Inc
- Hi-Tone Construction and Development Corp.
- Triple 8 Construction and Supply, Inc
- Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corp
- Wawao Builders
- MG Samidan Construction
- L.R. Tiqui Builders Inc.
- Road Edge Trading and Development Service