Courtesy : Gerald Anderson and Julia Barretto

Gerald Anderson at Julia Barretto, hiwalay muna.

Kinumpirma ni Ogie Diaz na hiwalay muna sina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos silang magdesisyon na mag cool off muna.

Sa latest video nina Ogie Diaz at Mama Loi Villarama sa kanilang youtube channel na ‘Showbiz Update’ dito na nila ibinahagi ang kanilang mga napansin lalong-lalo na sa mga social media accounts nina Gerald at Julia.

Ayon kina Ogie at Mama Loi, hindi na umano nila nakikitang magkasama sina Gerald at Julia sa iisang larawan sa kani-kanilang mga Instagram posts.

Pero para naman kay Ogie, tila nakikita niya na hanggang sa dulo ay magkaka-tuluyan at end game na talaga ang celebrity couple.

Aniya : “Nakikita kong si Gerald at Julia, parang sila ‘yung future… sila pa rin ‘yung ending.”

Ayon naman sa source ni Ogie, nasa ‘cool off’ stage umano sina Gerald at Julia, kaya naman naitanong niya sa kanyang source kung ano ang tunay na dahilan kung bakit umabot sa cooling off ang dalawa.

May third-party kina Gerald at Julia.

Ang nakakagulat pa, mayroon raw third-party sa kanilang relasyon dahilan kung bakit nagkakalabuan na ang dalawa.

Pagbabahagi ni Ogie : “Mayroon daw third-party. Totoo ba ‘yun? May third party daw?”

Hindi naman pinangalanan ni Ogie ang involve sa relasyon nina Gerald at Julia, pero ayon sa talent manager na hindi lang isa ang nahuli na namamagitan sa relasyon ng dalawa.

Para naman kay Ogie, sina Gerald at Julia lang ang makakasagot kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang cool off.

“Iiwan natin sa kanila ‘yan. Hindi po iyan kumpirmado, naibalita lamang iyan sa akin, parang naghihintay lang daw ng signs si Julia kasi kapag sila na ulit, kailangan kasalan na.” saad ni Ogie.

Kung ating babalikan, June taong kasalukuyan napag-usapan na rin nina Ogie Diaz ang tungkol sa hiwalayan ng celebrity couple.

Ayon sa una niyang pagbabalita tungkol sa relasyon nina Gerald at Julia, nag-away raw talaga ang dalawa base sa text na kanyang natanggap mula sa isang source.

Pagbabahagi ni Ogie : “May nag-text lang sa akin na parang nagkaroon daw talaga ng awayan, tampuhan sa pagitan ni Gerald at ni Julia Barretto,

“Kaya daw ‘yung mga post ni Julia na kasama si Ge­rald doon sa Instagram ni Julia, ‘di ba nawala daw? Totoo pala ‘yon,

“wala raw kibo talaga si Julia kasi raw, parang nagdadalawang-isip pero mahal daw si Gerald despite the fact na sila’y nag-aaway or nag-away.” dagdag pa ng talent manager.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kanilang pahayag sina Gerald at Julia.

Copy link