Courtesy : Glenda dela Cruz

Glenda dela Cruz, binatikos ng mga Virtual Assistant.

Binabatikos ngayon ang negosyanteng si Glenda dela Cruz ng mga VA or Virtual Assistant dahil sa latest interview nito kamakailan.

Hindi lingid sa marami na kilala si Glenda sa mundo ng social media bilang successful business woman, dito na lumabas ang samu’t-saring interviews nito tungkol sa kanyang ‘rags to riches’ stories.

Mula sa paggawa ng sabon, dumami na ang mga negosyo nito hanggang sa naging bilyonarya na si Glenda, kaya naman marami sa mga kapwa nating Pinoy ang gustong malaman ang sekreto ng negosyante kung paano niya naabot ang tagumpay.

Narito ang successful na mga negosyo ni Mareng Glenda :

  • Brilliant Skin essentials – Skincare products for whitening at exfoliating sets.
  • Brilliant Café – Franchise of cafes.
  • Brilliant Aesthetics and Spa – Beauty clinics.
  • Brilliant Builders – Construction firm.
  • Brilliant Medical Group – Medical field.
  • Brilliants by G – Luxury brand.
  • iFarm – Agriculture venture.
  • iFuel – Petroleum venture.
  • Real Estate development – Dubai based.
  • Manufacturing Plant – Skincare and other products factory.
  • Hotel in Malaysia – (under construction)

Bakit tumaas ang kilay ng mga virtual assistant kay Glenda?

Sa naturang interview, dito ibinahagi ni Glenda na sa edad niyang 12 years old ay naging VA o Virtual Assistant na siya na kumikita ng more than P200k per month.

Dito na binatikos ng mga VA si Glenda dahil ayon sa kanila na hindi maaring makapasok ang isang 12 years sa mundo ng pagiging virtual assistant dahil mahigpit umano ito sa age requirements.

Ani ng isang netizen : “That’s how others sugatcoat their success.. giving false hope to some young teens and disappointment to those who have been struggling to find their footing in this competitive world,

“Success is no fairytale, even Henry Sy and Gokongwei whose story is truly inspirational, no sugarcoat just pure hardwork, perseverance and luck.”

“Yung seminars and certificates needed para maging V.A para lang ma hire tapos eto 12 years old? Nakaka-tanga naman to.” dagdag pa ng isa.

Watch here :

Hindi lang ako nangarap, sinabayan ko rin ng kilos.” – Glenda dela Cruz.

Sa mga latest interviews ni Glenda dito na niya ibinahagi ang kanyang ‘humble beginnings’ at kung paano niya nakamit ang tagumpay sa pagnenegosyo.

Ayon sa negosyante, 12 years old siya na magsimulang maghanap-buhay para makatulong sa kanyang pamilya dahil nawalan siya ng ama at iniwan sila ng kanyang ina sa murang edad.

Nagsimula umano siya sa pagiging virtual assistant mula 12-15 years old siya, pagkatapos nito ay pumasok siya sa isang call center company at kalaunan ay na-promote bilang team leader.

Nagsimula siyang magbenta ng mga produkto na mula sa Divisoria matapos siyang mahuli sa call center na menor de edad pa siya.

Dito na siya nangutang upang makapag-puhunan ng 3,000 pieces na charcoal soap at dito na nabuo si Brilliant Skin and the rest is history.

Sa ngayon, lumalabas sa mga ulat na nasa $8M usd na ang net worth ni Glenda o umaabot sa P458,168,000 in pesos.

Copy link