Courtesy : Juliana Segovia

Juliana Segovia na stroke.

Viral at usap-usapan sa social media ang stroke journey ng komedyante at It’s Showtime Q & A Grand winner na si Juliana Segovia.

Matapos ibahagi ng controversial director na si Darryl Yap ang video tungkol sa pinagdaanan ni Juliana na pagsubok sa kanyang kalusugan noong nakaraang taon.

Sa naturang video, September 3, 2024, maririnig ang takot na takot na si Juliana kung paano nalang ang kanyang buhay habang nasa ospital siya dahil sa pagka-stroke niya.

Ani Juliana : “Direk natatakot ako.. natatakot ako direk eh..”

Sagot ni Darryl : “Okay lang ‘yan.. okay lang matakot.. ibig sabihin nun lalaban ka..”

Pagbabahagi ni Juliana : “Di ko na magalaw yung kamay ko.. baka hindi na ako makalakad.. paano na ako? si mama ko..”

“Malalagpasan mo ‘yan! alam mo yung stroke, nasa utak ‘yan.. kung malakas yung will mo.. ang isip mo kakayanin mo ‘iyan!” payo ni Direk.

Juliana : “Dasal ako ng dasal.. kailangan ako ng mama ko.. hindi ako pweding ma-ganito direk..”

Sa dulo ng video, masayang ibinahagi ni Darryl Yap na matapos ang isang taon ay maayos na naka-recover si Juliana sa sakit niya at muli nang sasabak sa mundo pageant.

Nanawagan din ang direktor ng suporta mula sa mga netizen tungkol sa pagsali ni Juliana sa ‘Miss Mandirigma Philippines 2025’.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa mabilis na paggaling ng komedyante at hiling nila na mas lumakas ang pangangatawan nito.

Ani ng netizen : “Kapit lang sa panalangin at laban lang kung ano man ang pagsubok..lahat kinaya mo nuon ..maniniwala kami na makakaya mo Ngayon..laban lang…..get well soon…..”

“Umiiyak ako tas biglang natawa ako sa Sinabi ni direk kokoronahan pa cia sa 2025.. pero sobrang nakakabilib ka Miss juliana”

“Kaya mo yan tiwala lang pray, trust & wait.. ako din po nastroke 3hrs po ang taning ng doktor awa po ng Diyos, praying for full recovery na ko mag 3yrs npo.. mabuti po si Lord lahat nkaplano para sa kabutihan ng tao,

“At mlalaman mo po ang mga tunay na taong ipapadala nya sa iyo para malagpasan mo po lahat yan. kapit lang at laging sabihin salamat sa Diyos buhay pa ko. may chance pa may pag asa.” dagdag pa ng isang netizen.

Copy link