Courtesy : Julius Babao and Sarah Discaya

Julius Babao : ‘Hindi talaga ako tumatanggap ng pera!’.

Nilinaw ni Julius Babao na super fake news ang kumalat na balitang tumanggap siya ng milyones para sa interview ng mag-asawang Discaya.

Dahil hanggang sa ngayon ay usap-usapan parin online ang tungkol sa naging panayam ni Julius kina Sarah at Curlee Discaya.

Muling ibinahagi ng brodcast-journalist ang lumang video sa kanyang Instagram account na kung saan napag-usapan dito ang tungkol sa pera na naging offer sa kanya ng mga politiko.

Ang video na nirepost ni Julius ay nagmula sa programang ‘Long Conversations’ 10 months ago ang nakalipas, kasama niya rito sina Stanley Chi at Janno Gibbs bilang mga hosts.

Ayon sa caption ni Babao : “The P10 Million accusation is Super Fake News! People in the Media industry know me as one who can never be bribed by anyone in exchange for favors or for a story. Sa interview na ito 10 months ago ni @jannolategibbs at @stanleychi sinagot ko yan.”

Sa naturang reposted video ni Julius, napag-usapan nila dito kung magkano ang malaki offer ng isang politiko sa kanya bilang isang mamamahayag.

Tanong ni Stanley : “Magkano ‘yong pinakamalaking inalok sa ioyng pera ng isang politiko na hindi mo tinanggap?”

Sagot ni Babao : “Eversince.. hindi talaga tayo tumatanggap.. kilala ako sa industriya hindi talaga ako tumatanggap ng pera.”

Aminado naman si Julius na kahit noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya, marami umanong nagtangka na suhulan siya o abutan ng pera pero dahil sa kanyang malinis na hangarin hindi umano siya tumatanggap ng salapi kahit kanino.

Kung ating babalikan, nadawit ang pangalan ni Babao dahil sa naging post ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa mga mamamahayag na tumanggap ng P10M bayad para sa isang interview.

Dito na pumasok ang naging interview niya sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na inakusahang bayad ng nagkakahalagang P10M pesos.

Agad naman na pinabulaan ito ni Babao, aniya : “Walang katotohanang may P10 million na involved for this interview. Ang layunin ng vlog ay ma-inspire ang mga taong posibleng maging matagumpay kung magsisipag lang at didiskarte sa buhay.”

Paglilinaw rin ni Babao na nangyari ang kanyang panayam sa mag-asawang Discaya noong hindi pa ito tumatakbong Mayor sa Pasig City at wala pang balak na pumasok sa politika.

Pagbabahagi niya : “Noong mangyari ang interview, wala pang nabanggit na plano ang mag-asawa na papasukin nila ang politika,

“Hindi pa din lumabas ang kahit anong isyu na may kinalaman sa kanilang mga government projects no’ng panahong ito.

“Ang nais lang nila noon ay ma-share ang kanilang success story sa publiko,

“Ito ay lifestyle feature para sa YT channel ko na naglalabas ng mga inspiring success stories,” dagdag ni Julius.

Copy link