Courtesy : Josh Mojica

Kangkong chips CEO Josh Mojica, nilinaw na hindi siya Billionaire.

Nilinaw ng kangkong chips company CEO na si Josh Mojica na ang kanyang net worth ay hindi pa aabot para tawagin siyang billionaire.

Kung ating babalikan August 18, nagsimulang pag-usapan ang yaman o net worth ni Josh dahil sa kanyang social media repost na nagsasabing 21 years old pa lamang siya ay billionaire na.

Sa caption : “21 years old, bilyonaryo na’, ikaw?”

Agad na tumaas ang mga kilay ng netizens dahil hindi sila makapaniwalang bilyonaryo na ang negosyante, tila nayayabangan pa umano sila sa mga post ni Josh.

Nilinaw rin ni Former Comelec commissioner Rowena Guanzon na kung totoong bilyonaryo na si Mr. Kangkong, bakit hindi ito kasali sa Top youngest billionaires ng ating bansa, dahil na rin sa viral repost ni Josh, nanawagan na ang dating commissioner sa BIR para mapa-imbestigahan ang finances ng negosyante.

Ani Guanzon : “Akala ko ang youngest billionaire ay may-ari ng Mang Inasal? Ba’t nag-ca-claim itong si Kangkong? Bureau of Internal Revenue Philippines, paki-check nga ang taxes ng tao na ‘yan.”

Dahil sa post na ito ni Guanzon, agad na binura ni Mojica ang kanyang social media repost tungkol sa pagiging billionaire niya.

Agad naman na inasar ng mga netizens si Mojica dahil natakot umano itong ma-imbestigahan ng BIR, agad niyang nilinaw na hindi pa siya bilyonaryo at wag umano maniwala sa fake news dahil malayo pa siya sa pagiging youngest billionaire.

Ani Josh : “Recently, may nag-viral na post from Josh Mojica fan page and not even my official account na nagsabing ‘21 years old, bilyonaryo na. Ikaw?’ And I shared it kasi natuwa ako sa mga comments,

“Kasi honestly, ‘yun talaga ang pangarap ko: to become a billionaire one day. And I’m proud na marami ring kabataan ang na-inspire doon. Kaya hindi po ‘yun pagyayabang,

“Una sa lahat, let’s be clear. I have never claimed to be a billionaire. Maliit pa po tayo masyado para doon.

“Pangalawa, I have always been diligent and compliant in running my business because everything I do is legal, transparent, and focused on growth,

“Ako ay isang bente anyos na negosyante lamang na pinipilit makaabante at gumawa ng makabuluhan sa negosyo.” dagdag ni Mojica.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng opisyal na statement ng BIR kung ano ang kanilang susunod na hakbang.

Copy link