Courtesy : Its Showtime

Karylle, nauwi sa accident ang paghataw sa Its Showtime.

Nauwi sa minor accident ang paghataw ni Karylle sa Its Showtime ngayong araw, August 28, kadahilanan upang tawagin ang medic ng show.

Bago nangyari ang insidente, kasama ni Karylle sina Jhong Hillario at Vhong Navarro sa stage na sumasayaw upang umpisahan ang segment ng noontime show na ‘Laro laro Pick’.

Agad na napansin ni Vhong ang energy ni Karylle habang sumasayaw kaya agad nitong nirequest na mag-solo lang ang singer sa pagsasayaw.

Ani Vhong : “Pwedi mag-request? solo lang si Karylle? ang taas ng energy eh,”

Dito na pumayag si Karylle para sa madlang people at bumaba na sina Jhong at Vhong sa maliit na stage kung saan silang tatlo sumayaw.

Habang sumasayaw si Karylle bigla itong natumba at biglang hinawakan ang kanyang binte na malapit sa bandang tuhod niya habang namimilipit sa sakit.

Sa panahong ito ay natatawa pa sina Vhong at Jhong dahil akala nila’y nagbibiro lang si Karylle, tila kalaunan ay napansin na nila na nasasaktan talaga ang singer at hindi na makatayo.

Dito na rin tumakbo papuntang stage si Ryan Bang upang alalayan ang singer, agad agad din na tumawag ng medic sina Jhong at Vhong.

Kahit nasasaktan tila nagbiro pa si Karylle para gumaan ang sitwasyon, aniya :

“Sumobra madlang people, medic.. gumanon yung buto ko..(umikot raw) ohmy.. ang hirap palang humataw.. sa kagustuhan ko talagang humataw..paki-karga ako Ryan..”

Ang kwelang sagot naman ni Ryan : “Ate K, mahal kiya pero hindi ka na bata [laughs]..”

Sa update, nagkaroon ng minor leg injury si Karylle. at pinag-iingat na si next time.

Agad naman na nagviral online ang video clip ng accident ni Karylle at nabahala sila sa kalagayan ng singer.

Ani ng netizen : “OMG! sana okay lang si Karylle, Get well soon and be carful next time.”

“Masyado kasing mataas ang energy ni K.. kaya nabigla cguro ang katawan niya.” dagdag pa ng isang netizen.

Watch here :

Copy link