Usap-usapan ngayon ng mga netizens sina Kathryn Bernardo at James Reid tungkol sa kanilang new project, sila na ba ang bagong love team?
Super excited naman ang mga solid fans ng aktres na si Kathryn dahil sa pagbabalik primetime o teleserye nito at hindi lang yan, sa proyektong ito ay makakasama niya si James Reid bilang kanyang leading man.
Ang teleseryeng ito ay pinangunahan ng Dreamscape Entertainment, ito rin ang kauna-unang serye na magkasama sina Kath at James.
Ang pagsasama na ito nina Kath at James sa teseryeng ay kinumpirma mismo ng Dreamscape.
Caption nila : “Someone is joining her… and it’s none other than James Reid!,
“The powerhouse tandem you never saw coming. Asia’s Superstar — Kathryn Bernardo and Multimedia Prince — James Reid, together in a teleserye from Dreamscape Entertainment.” pagbabahagi nila sa Instagram.
Kung ating babalikan, November 30, 2023 inanunsyo ni Kathryn ang hiwalayan nila ng aktor na si Daniel Padilla pagkatapos ng 11 years nilagyan pa niya ito ng caption na “Chapter Closed’.
Matapos ang kanilang hiwalayan, nagkaroon na sila ng kani-kanilang mga projects na magkahiwalay o hindi na magkasama.
Naging box office success ang proyekto ni Kath na Hello, Love, Again noong 2024 kasama ang aktor na si Alden Richards na kumita ng mahigit P1.6B wordlwide gross at naging Highest grossing Filipino film ever.
Si Daniel naman ay nagkaroon ng lead role sa teleseryeng Incognito, may upcoming signed project na rin ito na may title ‘Nang Mapagod si Kamatayan’ makakasama ng aktor dito si Zanjoe Marudo.
January 20, 2020 kinumpirma nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang hiwalayan, ayon sa kanila, napagdesisyunan nilang dalawa na mag focus muna sila sa kanilang mga sarili at sa kanilang personal growth.
Back to Kath at James, maraming netizens ang excited na sa nilulutong proyekto para sa kanilang dalawa ngunit marami rin sa kanila ang nagsasabing hindi pa nila nakikita ang spark, chemistry o kilig sa mga larawan nila together.
Pero ayon sa iilan, hindi pa kasi sila kumportable sa isa’t-isa at habang tumatagal lalabas at lalabas din ang kilig factor nilang dalawa.
Ani ng netizen : “Antayin niyo lang guys.. teaser pa lang yan.. paano kung nasa teleserye na.. OMG i’m so excited mukhang kikiligin na naman ako kina Kath at James. bagay ba sila? syempre.. hindi yan gagawan ng teleserye kung walang potential. Go!”