Tinawag na napaka-unfair ni Maine Mendoza ang pagdawit sa kanyang asawa na si Arjo Atayde sa issue ng flood control corruption kahapon.
Hindi lingid sa marami na ginulat ng mag-asawang Discaya ang senado at ang buong sambayanan matapos silang maglabas ng listahan na naglalaman ng mga taong sangkot sa korapsyon o mga kumuha ng kickback para sa flood control projects ng ating pamahalaan.
Kung ating babalikan, talagang piniga ang mag-asawang Discaya sa senado tungkol sa mga kompanyang pagmamay-ari nila na may hawak sa mga flood control projects na binagsakan ng milyones na pundo ng ating gobyerno.
Dito na rin pinapa-amin ang mga Discaya kung sino-sino ang kanilang mga kasabwat sa hatian ng pundo kapag may proyektong binibigay sa kanila ang pamahalaan.
September 8, tuluyan na nilang inilabas ang listahan ng mga taong binigyan diumano nila ng porsyento mula sa budget ng kanilang mga flood control projects na hinawakan.
Ayon kay Curlee Discaya, ang mga pangalan na kanyang inilabas ay ang mga taong may ‘kickback’ o may kinuhang pera sa kanilang kompanya matapos nilang manalo sa bidding ng mga proyekto ng gobyerno.
Ani Curlee : “After we won the bidding, some DPWH officials approached us to ask for and take their share of the project amount,”
Ang nakakagulat pa, kasama nga sa listahan na ito si Juan Carlos “Arjo” Campo Atayde o mas kilalang Arjo Atayde, si ay Quezon City 1st district representative simula noong 2022.
Listahan ng mga house representatives na inilabas ng mga Discaya :
- Roman Romulo (Pasig Lone District)
- James “Jojo” Ang (Uswag Ilonggo Partylist)
- Patrick Michael Vargas (Quezon City 5th District)
- Juan Carlos “Arjo” Atayde (Quezon City 1st District)
- Nicanor Briones (Agap Partylist)
- Marcelino “Marcy” Teodoro (Marikina 1st Distict)
- Florida “Rida” Robes (formerly of San Jose Del Monte, Bulacan, now mayor of the same city)
- Eleandro Jesus Madrona (Romblon Lone District)
- Benjamin “Benjie” Agarao Jr. (Laguna 4th District)
- Florencio Gabriel “Bem” Noel (formerly of An-Waray Partylist)
- Leody “Odie” Tarriela (Occidental Mindoro Lone District)
- Reynante Arrogancia (Quezon 3rd District)
- Marvin Rillo (Quezon City 4th District)
- Teodorico “Teodoro” Haresco Jr. (formerly of Aklan 2nd District)
- Antonieta Eudela (formerly of Zamboanga Sibugay 2nd District)
- Dean Asistio (Caloocan City 3rd District)
- Marivic Co Pillar (Quezon City 6th District)
Dahil sa kanyang pagkadawit, agad na pinabulaanan ni Arjo na hindi totoong nakatanggap siya ng pera mula sa mga Discaya, at kahit kailan umano ay wala siyang naging transaksyon sa mga ito.
Ani Arjo : “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them.
“Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito, I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,” dagdag ni Arjo.
Agad naman na naglabas ng kanyang pahayag si Maine tungkol sa kinakasangkutang issue ng kanyang mister, tinawag pa ng host-aktres na sobrang unfair umano ito dahil walang basehan ang mga alegasyon ng mga Discaya sa kanyang asawa.
Ani Maine : “Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,
“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair.” dagdag ni Maine.