Nilinaw ng komedyanteng si Pokwang sa pamamagitan ng social media na hindi niya anak si Tali Sotto, ang panganay nina Vic at Pauleen Luna.
Sa Thread account ni Pokwang, dito niya ibinandera ang fake comments na nagpapanggap bilang siya, tungkol ito sa fake screenshot ng convo nila ng asawa ni Vic Sotto na si Pauleen Luna sa social media.
Sa fake convo mababasa si Pokwang : “Mam Pauleen, kukunin na po namin yang anak namin ni Bossing, halata naman po sa hitsura, diba sa akin nagmana?”
Reply ng fake Pauleen sa convo : “Nyeee!”
Mabasasa rin ang komento ng asawa ni Pauleen na si Vic Sotto sa naturang fake convo : “ang corney mo mag joke pokwang! si Willie lang yata natatawa sayo! di ka papasa sa eat bulaga ko!”
Dahil sa marami na ang nagkomento at naniwala sa fake convo na ito, agad na nilinaw ni Pokwang na fake news at walang katotohanan ang kumakalat na post.
Ani Pokwang : “FAKE NEWS!!!! Grabe na mga tao sa socmed mga wala kayong magawa makakarma din kayo sa mga ugali niyo! never ko tinawag na mam Pauleen si Poleng kaloka! pero mas malala yung mga nag share at nanghusga agad!”
Ayon naman kay Pokwang, nagpadala na siya ng mensahe sa kanyang lawyer upang magawan agad ng aksyon ang mga nagpapakalat ng mga ganitong uri ng fake post tungkol sa kanya.
Ibinahagi rin ng komedyante na nagpadala na rin siya ng mensahe kay Pauleen Luna tungkol sa insidenteng ito.
Hindi lang si Pokwang ang naging biktima ng mga fake news tulad nito online, gayundin ang mga pulitiko o mga taong may matataas na posisyon sa ating bansa.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit ng social media, mas dumarami na rin ang mga taong naniniwala sa mga ganitong uri ng fake news online.
Sa halip, mas mabuting mag-research muna at tiyakin na galing mismo sa mga reliable at legit na mga sources ang mga balitang nababasa natin online bago mo paniwalaan, mag-komento o eshare.