Courtesy : Pokwang and Claudine Co

Pokwang, tinira si Claudine Co matapos mawala ang account.

Hindi napigilan ni Marietta Subong o mas kilalang Pokwang ang tirahin si Claudine Co matapos mag-deactivate ito ng social media accounts.

Kung ating babalikan, naging sentro nang pambabatikos ang singer-vlogger na si Claudine Co 25, matapos nabulgar ang korapsyon ng mga politiko at ng mga kontratista sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Bakit si Claudine Co ang binanatan ng mga netizens?

Kilala kasi ng mga netizens si Claudine na mayroong maganda at marangyang pamumuhay dahil sa kanyang ‘daily vlogs’ o mga contents online, dito na sila nagtaka kung bakit marami itong koleksyon ng mga designer bags at puro pa-travel2x lang ang ginagawa.

Not until nabuking ni Pres. Bongbong Marcos Jr. ang tungkol sa mga binulsang budget para sa flood control projects na tinatayang P2 trilyon na ang halaga mula 2011 hanggang 2025 sa loob ng 15 years.

Dito na naglabasan ang mga “Ghost Projects’, ang mga proyektong ‘marked as completed’ na sa mga papeles ng pamahalaan ngunit noong binisita nila ang mga ito ay tumambad sa kanila ang mga proyektong hindi ginawa, hindi natapos at hindi maayos dahil sa substandard na mga materyales.

May mga flood control projects din na hindi talaga sinimulan kahit isang araw lang kahit bayad na ng buo at milyones pa ang budget, in short pumasok na sa bulsa ng korap.

Dahil sa pagkabulgar ng mga korap sa ating pamahalaan, dito na nilabas ni Pres. BBM ang mga listahan ng mga kontratista na nagbulsa diumano ng mga budget para sa proyekto ng mga flood control.

Ang Hi-Tone construction and Development Corp. at Sunwest Inc. o Sunwest Group of Companies ay napabilang sa Top 15 construction companies na nasa listahan ng pangulo, mga kontratistang may anomalya diumano sa pag hawak ng budget para sa flood control projects.

Guess what? ang Hi-Tone ay pagmamay-ari ng ama ni Claudine na si Christopher Co, ang Sunwest Inc. naman ay pagmamay-ari ng tiyuhin niya na si Rizaldy Co (Ako Bicol partylist Representative 20th congress).

Agad na binansagan ng mga netizens si Claudine bilang ‘Disney Princess’, kasama na rito ang pag-akusa sa vlogger na ang mga luho nito ay mula sa mga tax payers ng bawat Pilipino, kaya sa dami ng batikos na natatanggap niya online, agad na naglaho ang mga social media accounts ng dalaga.

Kaya naman agad na naglabas ng inis at galit si Pokwang matapos nitong malaman na ang budget sa mga proyekto ng flood control projects at pinagta-travel at pinambili lang pala ng mga luho.

Ani Pokwang : “May trangkaso ako ngayon kaka trabaho para meron silang pang flex ng mga bongga nilang life style!! Huy mga nak wag kayo mag de activate ng mga socmed nyo! para alam ng taong bayan na napapasaya namin kayo,”

Sa ngayon, ay hindi pa natatapos ang issue tungkol sa mga binulsang budget para sa flood control projects ng pamahalaan.

Copy link