Courtesy : Ryan Bang and Paola Huyong

Ryan Bang at Paola Huyong, hiwalay na?

Usap-usapan ngayon ang tungkol sa breakup diumano ng It’s Showtime host na si Ryan Bang at ng kanyang fiancee na si Paola Huyong.

Maraming netizen ang nakapansin na binura ni Paola ang mga engagement photos nila ni Ryan sa kanyang IG feed, marahil wala na umanong kasal na magaganap.

Kung ating babalikan, engaged na sina Ryan at Paola noong June 2024 ngunit nagtaka ang mga marites sa social media na sa mga latest post ng dalaga ay hindi na niya suot ang kanyang engagement ring.

Kung iyong bibisitahin ang IG account ni Paola, wala ka nang makikitang larawan nila together ni Ryan ngunit sa mismong account ng It’s Showtime host, nanatili parin ang mga photos nila na magkasama.

Sa latest Youtube vlog naman ng talent manager na si Ogie Diaz, nakarating sa kanya mula sa isang source na kasalukuyan umanong inaayos na nina Ryan at Paola ang kanilang problema.

Dasal rin ni Ogie na sana raw ay maayos na nila ito para matuloy na ang kanilang kasal.

Watch here :

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw hindi nag-tugma ang mga ugali nina Ryan at Paola dahil sa nationalities ng dalawa dahil sa pagiging Korean ni Ryan.

Ani ng netizen : “Baka hindi nagkaintindihan sila sa mga culture or what.. kasi nga at the end of the day, Koreano parin si Ryan at iba ang kanikanilang mga ugali.”

“If thats the case, that was really fVcked up. He seems so inlove pa naman with the girl and they have meet pa both the parents na, and Ryan seems change na pa naman since they were dating.” ani ng isang netizen.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Ryan at Paola.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kanilang opisyal na pahayag ang dalawa.

Copy link