Usap-usapan ang pag-amin ni Sarah Discaya sa senate hearing tungkol sa kanyang siyam na construction companies na nakapasok sa DPWH.
Talagang piniga si Sarah sa senado nina Jinggoy Estrada, Risa Hontiveros at Erwin Tulfo tungkol sa mga kompanyang pagmamay-ari niya na may hawak sa mga flood control projects na binigyan ng milyones na pundo ng ating pamahalaan.
Sa umpisa ng senate hearing, matinding nanindigan si Discaya na isa lang ang pagmamay-ari niyang construction company na nagsilbi sa DPWH.
Ayon kay Sarah, natatanging ‘Alpha and Omega General Contractor & Development Corp.‘ lamang ang nasa kanyang pagmamay-ari.
Hindi naman naniniwala si President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa paninindigan na ito ni Discaya at pina-alalahanan niya ang contractor na nasa ‘under oath’ ito at ipapasok siya kulungan kung napatunayang nagsisinungaling.
Dito na nagbago ang timpla ni Discaya matapos sabihin nina Estrada at Hontiveros na may mga sapat silang dokumento para patunayan na mayroon pa itong walong mga kompanya na nakapangalan sa kanya at sa asawa nitong si Curlee Discaya.
Ibinahagi rin ni Discaya na ang kanyang pamilya ay nasa construction business na for almost 23 years.
Aniya : “I would presume na in the 23 years, pwedi naman po siguro kami kumita..”
Paano nakakuha ng mga projects ang mga Discaya sa DPWH?
Ayon kay Sarah, taong 2012 silang nagsimula na makipag-bidding sa DPWH ngunit taong 2016 lamang sila nakakuha ng mga flood control projects mula sa pamahalaan.
Pagbabahagi niya : “Nakita namin noon [sa] PhilGEPS (Philippine Government Electronic Procurement System) na may mga projects na pwedi palang mag join.. So we joined the bidding that we know we’re qualified for,”
Ang nakakagulat pa sa sinasabing ‘bidding’ ni Discaya na naglalaban-laban lamang sa bidding na ito para makakuha ng flood control projects ay ang siyam niyang kompanya. very funny right?
Tanong ni Estrada : “Mrs. Discaya, mayroon bang pagkakataon ‘yung siyam na pag-aari mo ng construction company, meron bang pagkakataon na sila-sila naglalaban sa isang bidding, sa isang kontrata?”
Sagot ni Discaya : “Yes, po..”
Pagbabahagi ni Estrada : “So that’s not a legitimate bidding? dahil yung siyam na ‘yun na naglalaban-laban sa isang kontrata, iisa lang may ari, so kahit sino dun, kahit sinong manalo dun sa bidding na yun, ikaw ang panalo,”
Agad naman sumagot si Erwin Tulfo at aniya : “Ang sagot po dyan, Senate Pro Tempore [Jinggoy Estrada], nagbibiding-bidingan.”
Ito ang siyam na kompanyang pagmamay-ari ng mga Discaya :
- Alpha and Omega Construction.
- St. Timothy Construction.
- St. Gerrard Construction.
- Elite General Contractor and Development Corporation.
- St. Matthew General Contractor & Development.
- Great Pacific Builders and General Contractor.
- YPR General Contractor and Construction Supply.
- Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp..
- Way Maker OPC.