Courtesy : Kris Aquino

Tax ni Kris Aquino sa loob ng 7 years, P322M!

Usap-usapan sa social media kung magkano nga ba talaga ang tax na binabayaran ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa BIR?

Malaking palaisipan parin sa mga fans at tagasubaybay ng aktres-host na si Kris kung magkano nga ba talaga inaabot ang buwis nito sa ating pamahalaan dahil isa nga ito sa ‘top tax payers’ sa ating bansa.

Hindi lingid sa marami na isa si Kris sa mga top o in-demand celebrities sa mundo ng showbiz, dahil ito sa kanyang mga sucessful game shows, talk shows, films at mga endorsements.

Pero sa mga nakaraang taon, tila humina ang pagpasok ng kita o income ni Kris dahil na rin sa pagbagsak ng kanyang kalusugan.

Ngunit ayon sa datos ng BIR o Bureau of Internal Revenue, pumapalo pala ang buwis ng aktres sa P322M sa loob lang ng 7 years.

Ito ang ibinahagi ng kanyang impersonator na si Krissy Achino sa social media, dito ipinakita ng impersonator ni Kris ang consistency at transparency nito sa pagbabayad ng aktres ng kanyang buwis simula 2008 hanggang 2015.

Ani Krissy Achino : “Among all the so-called “nepo babies” of Philippine politics/show business, Kris Aquino stands out for one thing most people often overlook… her transparency and consistency in paying her tax obligations.

“BIR records reflect the scale of her success. Between 2008 and 2015, she paid an astonishing ₱322,098,558.74 in income taxes. Some of her peak years include :

  • 2008 : ₱25.4M (Top #8)
  • 2010 : ₱32.3M (Top #17)
  • 2011 : ₱49.87M (Top #1)
  • 2014 : ₱54.53M (Top #6)
  • 2015 : ₱61.74M (No Ranking Available)
    • = ₱322,098,558.74

“The numbers speak for themselves. At her peak in the 2010s, no other celebrity came close to her level of visibility, influence, and workload.

“Even now, Kris Aquino remains in a league of her own. Her legacy as the “Queen of All Media” is still unmatched. Now, that’s a fact!” Achino added.

Marami naman sa mga netizens ang hindi na nagulat sa malaking buwis na binabayaran ni Kris sa ating gobyerno dahil kahit marami itong endorsements, shows o mga pelikula ay hindi na rin mabilang ang mga negosyo nito saang sulok ng ating bansa.

Ani ng netizen : “No wonder na ganito kalaki ang taxes ni idol, kasi super lakas kumita ni Ms. Kris hindi lang sa mga projects niya, super dami din niyang negosyo o businesses sa Pilipinas kaya kahit hindi na siya mag work malaki parin pumapasok na income sa kanya.”

Copy link