Viral ang vlog ni Von Ordona sa kanyang Youtube channel matapos harap-harapan na nakasagutan ni Whamos Cruz ang kanyang 50 bashers.
Challenge accepted nga para kay Whamos na harapin ang kanyang 50 bashers pero hindi sa online, kundi harap-harapan o face to face.
Sa context ng video, nasa loob ng studio ang 50 bashers ni Whamos na isa-isang makikipag-sagutan sa content creator, ano ang catch? kailangan nilang pataasin ang BP o Blood Pressure ng vlogger hanggang sa umabot ito sa 150 upang manalo ng P40,000 kung sino man ang makapag-painit ng ulo nito.
Habang nangyayari ang sagutan, may naka-monitor sa BP ni Whamos upang malaman kung sino ang matagumpay na makakapag-uwi ng 40,000 pesos, ngunit sa unang subok ng mga bashers hindi nila nagawang pataasin ang BP ng vlogger.
Hanggang sa pang-35th basher na ni Whamos, dito na sumobra sa 150 ang BP ng content creator dahil sa hindi niya inaasahang subject na ginamit ng basher para uminit ang ulo niya.
Tinira kasi ng naturang basher ang pagpo-promote ni Whamos ng sugal o online casino, sinamahan pa nang pang-aasar tungkol sa kanyang kapatid na si Awit, ayon sa basher, dahil umano sa sugal kaya bumagsak at napunta nalang sa bagoong ang kapatid ng vlogger.
Ani ng basher no. 35th : “Balita ko ang dami mo nang na-scam at nabubudol ah? imbes na i-motivate mo ang mga pilipino sa tamang gawain, minomotivate mo ang mga pilipino sa sugal? tama ba yun?? tingnan mo yung kapatid mo ngayon? imbes na paldo na bumaba pa? ano nangyari? sa Bagoong napunta!”
Dito na agad nagbago ang timpla ni Whamos at tila very affected siya sa mga narinig niya.
Ani Whamos : “Eh ano? ikaw ba may trabaho ka? tatanungin kita? anong trabaho mo? bakit mo kailangan insultuhin yung mga nagtitinda ng bagoong?”
Dito na mas tumaas ang BP ni Whamos dahil hindi siya makapag-explain ng maayos sa gusto niyang sabihin dahil tumataas na din ang boses ni Basher no. 35.
Pagkatapos ng sagutan, tagumpay na nakapag-uwi ng 40,000 si Basher no. 35 at napaiyak nalang ito dahil hindi niya ibig saktan si Whamos.
Watch here :