Sa latest vlog ng aktres na si Yen Santos, dito niya nilinaw ang tungkol sa chismis na may anak sila ng politikong si Chavit Singson.
Kung ating babalikan, matagal nang kumakalat ang chika na may relasyon si Yen kay Singson at ang nakakagulat pa? nagkaroon umano sila ng anak.
Matapos magbukas ng kanyang Youtube channel si Yen kamakailan, ang kauna-unahang video nito ay ang paglilinaw na hindi siya nabuntis ng isang politiko o ng isang gobernador.
Pinangako rin niya sa kanyang mga tagasubaybay na gagawa siya ng isang vlog kasama si Chavit, upang ang politiko na mismo ang magsasabi ng katotohanan kung nagkaroon ba talaga sila ng anak.
Matapos ang ilang linggong pag-aantay, inilabas na ni Yen ang vlog kasama si Singson, dito na niya nilinaw na halos ilang dekada ng magkaibigan ang politiko at ang mga magulang niya.
Ani Yen : “Parang more than a decade na kasi… he’s a good family friend..”
Dito na agad diretsahang naitanong ng aktres kay Chavit ang tungkol sa mga chismis at mga balitang nagkaroon sila ng anak.
Tanong ni Yen kay Chavit : “Ano ang comment mo tungkol sa rumors tungkol sa atin?”
Sagot ni Singson : “Palagay ko.. ikaw lang ang makakasagot niyan [laughs]..”
Dito na nilinaw ni Yen na wala talaga silang anak ni Chavit at fake news lang ang mga kumakalat na balita online, ang lumalabas at itinuturong anak nila diumano ay ang kanyang kapatid na si Yan-yan.
Pagbabahagi ng aktres : “Super tropa ‘to ng aking parents kaya lagi tayo nai-issue.. meron pa nga daw tayong anak diba? malaki na raw ang anak natin si Yan-yan?,
“Guys.. hindi po namin ‘yun anak.. kapatid ko ‘yun at ninong siya nun.. ‘Yun talaga yun, ang nakikita ko sa Tiktok nagkalat na malaki na raw ang anak namin.. Yes malaki na siya He’s 11 years old.. hindi po nami ‘yun anak.. kapatid ko po siya,” paglilinaw ni Yen.
Watch here :