Malaking rebelasyon ang ibinahagi ni Yuki Ito sa latest vlog ni Aiko Melendez, inamin ng pageant enthusiast na siya ay HIV positive.
Si Yuki ay nakilala dahil sa mga content niya online, siya ay aktibo sa pagsali sa mga brgy. beauty pageants at bihasa na sa larangan na ito.
Ngunit sa kanyang panayam sa Youtube channel ng aktres na si Aiko Melendez, dito na niya napag-desisyunan na aminin na sa lahat ang matinding pagsubok na kanyang pinagdaan.
Panimula ni Aiko : “What people do not know.. many years ago.. You went through a phase na may pinagdaanan kang malupit na pagsubok?”
Pagbabahagi ni Yuki : “Korek. and super hirap talaga ‘yun.. I fell inlove with a guy.. alam naman ng lahat syempre diba? bakla ako.. so ang gusto ko lalaki.. and then everything was happy.. alam mo ‘yun? ang ganda e, nagfa-fall siya into places,
“And then one day.. wala nang paramdam.. na-ghost ako.. without me even knowing the reason why.. and then I received a call after a month, He passed away.. because he was HIV aids positive.” ani Yuki.
Ayon kay Yuki, 18 years old palang siya noon noong nakilala niya ang kanyang ex-boyfriend at wala siyang idea kung ano ang HIV, aniya : “Im clueless” pero alam niya na ito ay sakit o virus.
Matapos malaman ni Yuki na pumanaw ang kanyang ex dahil sa HIV o AIDS, agad siyang nagpa-test upang malaman ang kanyang status, dito na bumungad sa kanya ang bad news dahil ang resulta ay HIV positive na din siya.
Para naman kay Yuki, masaya siya sa mga taong may alam sa status ng kanyang kalusugan at sobrang nagpapasalamat siya dahil tanggap siya ng mga ito lalong-lalo na si Aiko.
Aniya : “And I’m so grateful and beyond thankful na meron ako[ng] mga taong [na] kagaya niyo na in-embrace ako.. when you knew that I’m positive.. isa lang ang ginawa niyo.. niyakap niyo ako..”
Napagdesisyunan umano ni Yuki na ibahagi ang kanyang kwento kasama si Aiko upang magbigay ng awareness sa lahat lalong-lalo na sa mga kabataan na clueless tungkol sa sakit na HIV o AIDS.
Watch here :