Usap-usapan ngayon sa social media matapos kumpirmahin sa kamara na naospital umano sa Amerika si Rizaldy ‘Zaldy’ Co.
Hindi lingid sa marami na si Zaldy ang representative ng ‘Ako Bicol Partylist’ at tiyuhin ng isa sa ‘Nepo Babies’ na si Claudine Co.
Hanggang sa ngayon ay mainit parin na pinag-uusapan ang tungkol sa maanumalyang flood control projects ng ating pamahalaan at sinabayan pa ito ng paglipad ni Zaldy papuntang ibang bansa.
Dito na ibinalitang nasa Amerika si Zaldy para umano magpagamot sa kanyang karamdaman, sinagot ito ni Atty. Princess Abante sa kamara para kasagutan sa mga katanungan tungkol sa whereabouts ng kongresista.
Ayon kay Atty. Abante : “Based on my initial inquiry before the Office of the House Secretary General [Reginald Velasco], he is currently out of the country,
“I understand he is in the United States for medical treatment, with appropriate travel documents.. kung ano yung mga travel documents na ‘yon, wala pa kong copy,” dagdag pa niya.
Kung ating babalikan, pinatawag si Zaldy sa kongreso para imbestigahan ang mga anumalya sa mga flood control projects na ginawa ng kanyang construction company na Sunwest Inc. o Sunwest Group of Companies.
Isa kasi ang kompanya ni Zaldy (Sunwest Inc.) ang pasok sa TOP 15 na nasa listahan na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kamakailan dahil sa alleged corruption ng milyon-milyong budget para sa flood control projects.
Ang Sunwest ay pinagkalooban ng milyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, umaabot sa P2 trilyon na ang nagastos para lang sa mga flood control projects na ito sa loob ng 15 years, ngunit ang nakakalungkot rito na mahigit kalahati umano sa budget ang napunta sa bulsa ng mga korap.
Bistado rin ang mga flood control projects na tila ‘marked as completed’ na sa mga papeles pero noong pinuntahan ng pangulo ay missing project, hindi sinimulan, hindi tinapos o hindi maayos ang mga gawa.
Pumalag naman ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa pagkaka-ospital ni Zaldy sa Amerika, ayon sa kanya bakit kailangan pa sa ibang bansa ito magtungo para sa kanyang karamdaman.
Ani Ogie : “Ah so hindi kaya ng mga best treatments dito sa Pinas?”