Courtesy : Claudine Co

Claudine Co, inatake ng anxiety at depression.

Hot topic ngayon si Claudine Co dahil kumalat ang balitang inatake umano ito ng anxiety at depression dahil sa flood control projects issue.

Hindi lingid sa marami na inulan ng matinding pambabatikos mula sa mga netizens ang singer-vlogger na si Claudine Co 25, dahil sa pagka-bulgar ng matinding korapsyon sa budget ng mga flood control projects.

Tinatayang umabot sa P2 trilyon ang budget ng pamahalaan para maibsan ang baha sa ating bansa mula 2011 hanggang 2025, ngunit sa pagsisiyasat ni Sen. Panfilo Lacson, halos kalahati umano ng budget (P1 trilyon) ay napunta sa bulsa ng mga garapal at mga korap na mga politiko at mga contractors.

Kung ating babalikan, tumaas ang dugo ni Pres. Bongbong Marcos Jr. dahil siya mismo ang nakasaksi sa mga ‘ghost projects’ ng flood control projects.

Ayon pa sa pangulo, marami umanong proyekto ang ‘marked as completed‘ na sa papeles pero noong kanilang puntahan ay walang mahanap na ginawa, hindi tinapos, may mga agad na nasira at meron pang hindi talaga sinimulan kahit isang araw lang.

Malinaw umano na ang mga pundo para sa pagpapa-gawa ng flood control projects ay binulsa ng mga politiko at ng mga kontratista (mga construction companies).

Dito na pumasok ang pangalan ni Claudine Co, kilala ang singer-vlogger sa social media dahil sa ‘lavish lifestyle‘ nito sa kanyang mga daily vlogs, travel dito at travel doon.

Maraming koleksyon ang dalaga ng mga luxury items, designer bags at lahat ng luho ay nasa kanya na, nakaraan lamang ay sumakay pa ito gamit ang isang private plane (para gumala) na pagmamay-ari diumano ng kanyang pamilya.

Not until naglabas si Pres. Bongbong Marcos Jr. ng listahan ng mga alleged ‘corrupt construction companies’ na may hawak sa mga palpak na flood control projects.

Guess what? pasok sa TOP 15 companies na nasa listahan ng pangulo ang Hi-Tone construction and Development Corp. at Sunwest Inc. o Sunwest Group of Companies na pagmamay-ari ng mga Co.

Ang inilabas na listahan ng pangulo ay ang mga construction companies na may anumalya diumano sa paghawak ng budget para sa mga flood control projects.

Ang Hi-Tone ay pagmamay-ari ni Christopher Co, ang ama ni Claudine, habang ang Sunwest Inc. naman ay pagmamay-ari ni ‘Ako Bicol Partylist Representative’ Rizaldy Co, ang tiyuhin ng dalaga.

Dito na inulan ng pambabatikos si Claudine online, kaya pala marangya diumano ang kanyang pamumuhay dahil buong Pilipinas pala ang nagbibigay ng kanyang budget para sa kanyang mga luho (tax payers).

Dahil sa matinding pambabatikos, biglang nag-deactivate ng kanyang mga social media accounts si Claudine.

Kumalat naman sa social media ang screenshot ng post ng alleged best friend ni Claudine na si Stephanie Cojuanco, sa naturang screenshot nanawagan siya sa mga netizens na tigilan na ang pambabatikos sa dalaga.

Ayon sa best friend ni Claudine, lahat umano ng luho ng dalaga ay katas ng hardwork nito at hindi nagmula sa mga ghost projects na hinawakan ng kanyang magulang o tiyuhin.

Ani Stephanie : “Guys, please. Let’s spare Claudine. She doesn’t know nor is she involved in the ghost project,

“She’s innocent and such a beautiful soul to be dragged into this issue, We get it, galit kayo kasi akala niyo tax money yung winawaldas niya. But no. She’s a hardworking girl. and I know that! Right now. Claudine is suffering from anxiety and depression.” she added.

Hindi naman pinalampas ni Pokwang ang pag-deactivate ni Claudine ng kanyang social media accounts, ayon sa komedyante, kahit may trangkaso umano siya ay nagtatrabaho parin siya upang may pambili umano ng luho ang dalaga at ma maintain ang lavish lifestyle nito.[read here]

Copy link