Courtesy : Claudine Co

Claudine Co, nagsalita na tungkol sa kanyang issue.

Sa wakas ay nagsalita na si Claudine Co 25, tungkol sa issue ng corruption sa flood control projects na kinakaharap niya ngayon.

Binansagan ang dalaga bilang si ‘Disney Princess’ dahil sa ‘lavish lifestyle‘ na pinapakita nito online, travel there, shopping here, new car ngayon another sports car bukas.

Kung ating babalikan, inulan ng batikos si Claudine matapos malaman ng netizens na anak siya ni Christopher Co, ang nagmamay-ari ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Sinabayan pa ito ng Sunwest Inc. o Sunwest Group of Companies na pagmamay-ari ni Rizaldy Co, ang kanyang tiyuhin na kasalukuyang ‘Ako Bicol Partylist’ representative sa 20th congress.

Ang Hi-Tone at Sunwest Inc. ay pasok sa Top 15 na mga construction companies na inilabas ni Pres. Bongbong Marcos Jr. kamakailan, ito ang mga kontratistang nabulgar dahil na may anumalya diumano sa paghawak sa budget ng flood control projects.

Sa pagsisiyasat ng kasalukuyang pangulo, bistado ang mga politiko at mga contractors dahil sa mga ‘ghost projects’ na kanilang nadiskubre, ito ang mga proyektong ‘marked as completed’ na sa mga papeles ngunit noong kanilang pinuntahan ay hindi ito makita sa mismong lugar.

May mga proyektong hindi talaga sinimulan kahit bayad na, kahit isang araw ay hindi naumpisahan ang contruction, may mga hindi pa tapos kahit taon na ang nakalipas, at ang nakakagulat pa puro ‘substandards’ ang gamit na materlayes.

Malinaw na binulsa ng mga politiko at ng mga kontratista ang milyon-milyong budget para sa flood control projects na ito ng ating pamahalaan.

Dito na nakatanggap ng samu’t-saring batikos si Claudine Co, dahilan upang pansamantalang mag-deactivate siya ng kanyang social media accounts.

Ayon sa mga netizens, ang kapal ng mukha ng dalaga na mag-flex ng kanyang private plane, mga designer bags at ng kanyang mga luxury items sa online pero pera ng mga Pilipino (tax payers) ang kanyang ginamit para sa mga luho niya.

Dito na sumagot ang dalaga at nilinaw na wala siyang pera na ginastos na nagmula sa sambayanang Pilipino dahil ang binayad umano sa kanila ng gobyerno ay bayad para sa kanilang serbisyo.

Ani Claudine : “Like hello? wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay? This is not from taxpayers’ money, the Government literally paid us for the service that our business provided. Gets?”

Agad naman na tumaas ang dugo ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque tungkol sa issue ng flood control projects [read here].

Copy link