Hindi napigilan ng dating pres. spokesperson na si Harry Roque ang magsalita tungkol sa issue ng flood control projects sa ating bansa.
Hindi lingid sa marami na matinding usapin ngayon sa ating bansa ang tungkol sa mga ‘ghost projects’ at matinding korapsyon ng mga flood control projects.
Batay sa mga reports, umaabot na sa mahigit P2 trilyon ang nawaldas ng ating pamahalaan para lamang sa mga flood control projects mula taong 2011 hanggang 2025 o sa loob 15 years.
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, halos P1 trilyon umano ng budget para sa mga proyektong ito ay napunta lang sa bulsa ng mga korap na politiko at mga contractors.
Kaya pala sa loob ng 15 years ay hindi parin naaayos ang mga dahilan kung bakit matindi parin ang pagbaha sa ating bansa.
Dito na nabulgar at nadiskubre ni Pres. Bongbong Marcos kamakailan ang mga anumalya sa flood control projects, sa resulta ng kanilang pagsisiyasat lumabas na maraming proyekto ang ‘marked as completed’ na sa mga records at papeles.
Ngunit noong kanilang pinuntahan (field visit) ay hindi nila nakita ang mga proyekto, hindi tinapos, palpak ang gawa (substandard) at meron pa na hindi talaga inumpisahan kahit na isang araw.
Ibig sabihin, ang milyones o bilyones na mga budget para sa flood control projects ay napunta lang sa bulsa ng mga politiko at ng mga kontratistang may hawak nito.
Dito na naglabasan ang mga issue tungkol sa mga anak ng politiko at ng mga contractors na kung saan todo flex sila ng kanilang ‘lavish lifestyle’ online, shopping dito, travel doon, new car here, luxury bags there. [read here]
Hindi naman napigilan ni Harry Roque na maglabas ng kaniyang galit sa mga ‘Nepo babies’ na ito o mga ‘Disney princess’ na anak ng mga korap na politiko at ng mga contactors na gumagastos ng pera na mula sa mga tax payers.
Ani Harry : “Parang nakaka-asido sa sikmura kapag nakikita mo ’yung mga anak ng kontraktor at politiko na parang lumaki sa “hardship”—hardship ng pagpili kung alin sa mga bagong kotse ang ipapark sa garahe ng mansion,
“Habang ang iba kumakayod para may pang-baon ang anak, sila naman nagpapose ng Rolex at Gucci sa Instagram, proud na proud sa kayamanang malinaw na hindi pinaghirapan ng sarili nilang pawis kundi ng buwis at proyekto ng bayan,
“Ang masakit, mas inuuna pa nilang ipagyabang kaysa isipin kung saan galing at sino ang tunay na nagbayad para sa luho nila.” dagdag ni Roque.