Courtesy : Nadine Lustre

Nadine Lustre, nadismaya sa mga binulsang flood control budget.

Naglabas ng saloobin ang aktres na si Nadine Lustre tungkol sa mga nawawalang flood control projects budget na usap-usapan parin online.

Para kay Nadine, suportado niya ang mga kapwa niya Pilipino na humihingi ng pananagutan sa gobyerno dahil sa pagwaldas ng mga politiko at ng mga contractors sa budget ng flood control projects lalong-lalo na ang mga anak nito na may marangyang lifestyles.

Kung ating babalikan, unti-unti nang nawawala ang mga social media accounts ng mga anak ng mga politiko at kontratista matapos nabulgar ang korapsyon ng kanilang mga magulang. [read here.]

Ani Nadine : “It really has to be like that.. at the end of the day.. The Government has to take care of their people because if you really think about it.. we’re paying them taxes,

“We’re paying them to help us and and to make things better for us, It’s just sad the funds that the funds are being used for something else,” pagbabahagi ng aktres.

Watch here :

Hindi lingid sa marami na nabisto ni Pres. Bongbong Marcos Jr. ang mga politiko at ang mga kontratista na binulsa ang milyones na mga budget para sa flood control projects.

Sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, mula 2011 hanggang sa taong kasalukuyan umaabot umano sa P2 trilyon ang inilabas ng gobyerno para lamang sa mga flood control projects sa loob ng 15 years, ngunit halos kalahati nito (P1 trilyon) ay binulsa lamang ng mga politiko at ng mga contractors.

Bistado rin ang mga Ghost Projects na may status na ‘marked as complete‘ sa mga records ngunit noong pinuntahan ay hindi mahanap, hindi sinimulan o hindi maayos ang gawa ng mga proyekto, palpak at substandard ang mga materyales. [read here.]

Ang mga projects na ito para sa flood control ay iilan lamang sa mga nabulgar dahil sa nakakakilabot na korapsyon sa ating bansa, ayon sa mga ulat, tinatayang 40% lamang ang tunay na napupunta sa mga proyektong ito.

May mga proyekto rin na hindi talaga sinimulan kahit isang araw matapos mabulsa ang milyon-milyong budget na nagmula sa mga taxes nating lahat.

Copy link